Marami sa atin ang hindi maunawaan kung ano talaga ang nagagawa ng mental health sa atin – mapa pisikal, mental, emosyonal, at spiritual. Karamihan sa amin ay edukado at namumuhay ng maayos.  Ngunit ang sakit sa mental, minsan ay humahadlang sa amin upang sumagawa ng aming tungkulin ng maayos.

Nang malaman ko na marami sa atin, pag ikaw ay may sakit na mental, dapat ikaw ay kaawaan, ikinalungkot ko ito.

Pasensya na po, di po kami dapat kaawaan, bagkus ay dapat bigyan ng pagmamahal, suporta, tulong at pagunawa. May sakit akong mental, pero nagtatrabaho katulad isang normal na tao. Namumuhay katulad ng isang normal na tao. Kumikita ako ng pera sa sariling sikap.

Masasabi na isa na ako sa mga maswerteng indibidual na kayang magpagamot at pumunta sa spesyalista. Ngunit, marami sa aking mga kasama na di maunawaan ng kanilang pamilya, kaibigan at nang lipunan.  Di rin kayang magpagamot at matustusan ang pyschotherapy. Sila ang kailangan ng tulong/suporta, pagunawa at pagmamahal, at hindi iyong awa. Di ko po rin kailangan ng iyong awa.

Yan ang tungkulin ng website at sulating ito. Ang magbigay ng impormasyon tungkol sa amin karamdaman at paano kami namumuhay na may pasarin aming balikat, at paano kami lumalaban kahit may pasarin. Anu-ano ang humahandlang sa amin upang hindi namin magampanan ang aming tungkulin na maayos.

DI PO NAMIN KAILANGAN NG AWA.